OFW Blog 3

“Epekto ng COVID-19 sa Negosyo” (and Alternative Business Idea Tips)

(by Ronnie Hilario – Creator of YouTube Channel “Virtual Startup Box”)

Sa kinakaharap na sitwasyon ng buong mundo sa ngayon, isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng madaming tao at mga bansa ngayon – ang Corona Virus (COVID-19) at kung gaano katinding epekto ang dinulot nito sa buhay nating lahat particularly sa area ng pagnenegosyo.

While I’m preparing this blog, I hope and pray na nasa ligtas kang kalagayan ganun din ang family mo. I suggest na sundin mo yung mga protective measures na sinasabi sa mga “legit” na health advisories, look after your own personal hygiene at kung maaari, limitahan yung paglabas sa bahay, and most of all – to PRAY.

Going back to the topic…

Base sa World Health Organization o WHO, ang corona viruses (video filler) ay pamilya ng mga viruses na nagdudulot ng sakit sa tao at hayop particularly sa respiratory system – gaya nung MERS (Middle East Respiratory Syndrome) at SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) – at ang pinaka latest nga yung COVID-19. Nadiscover to sa Wuhan, China noong December 2019 at kilala din ito sa tawag na “Wuhan Virus”

“So gaano ba kalaki ang epekto nitong COVID-19 na ito?”

Ramdam na ramdam yung epekto nito sa halos lahat ng industriya – Mula sa mga pinakamalaking businesses gaya ng mga airline companies, mga factories, hanggang sa mga retailers.

Temporary na nagsara muna ng kanilang mga facilities ang marami sa mga ito, may mga airports na temporarily shutdown, even mga major events gaya ng mga conferences, sports meet, at mga flights apektado – para maisolate at malabanan ung mga masasamang epekto na dulot ng virus.

“Alternative Solution ng mga Big Companies”

Dahil na din sa epekto ng Wuhan Virus, yung mga malalaking kumpanya kagaya ng Google, Apple at Facebook ay gumawa din ng mga hakbang para maiwasan yung matinding epekto ng Wuhan Virus hindi lang para sa kumpanya kundi para na din sa mga empleyado nila. Temporary na sinara muna nila yung mga tindahan at mga opisina nila lalo na yung nasa China, Hongkong, at Taiwan maging yung mga nasa European countries. Madami din silang mga events at conferences na ni-reschedule at kinancel din pati mga job interviews. Karamihan din sa mga malalaking kumpanya na kagaya nung mga nabanggit ko ay pinayagan ang mga workers nila na makapagtrabaho sa bahay na lang – para na din sa kaligtasan nila.

“Republic Act 11165 – Work-from-Home Law”

Since naapektuhan din ang Pilipinas ng Wuhan Virus, madami din sa mga kababayan natin ang nakakapagtrabaho din sa kanilang mga tahanan dahil sa RA 11165 o yung Work-From-Home Law.

Ano ba tong RA 11165? Isa itong batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong 2019 na ang purpose ay magkaroon ng “work-life” balance ang mga Filipino workers by allowing them to work at home. Since makakatrabaho na sa kanya kanyang mga tahanan, inaasahan din na makakabawas ito sa matinding traffic natin lalo na sa Metro Manila. Pero take note, mga empleyado lang sa private sector ang pasok dito as long na i-ooffer ito ng mga employer nila. Kailangan parehong nauunawaan at napagkasunduan ng empleyado at employer yung mga terms and conditions kapag nag work-at-home ang isang empleyado.

“Alternative Ways of Business – the ONLINE way”

Madami satin ngayon ang gumagamit na ng laptop, smart phones, tablets at iba pang gadgets hindi lang para sa ating communication at social media kundi nagagamit na din sa pagnenegosyo. Malaki ang maitutulong nito sa mga kagaya ko na OFW, lalo na dun sa walang mabibilinan sa Pilipnas na tumingin ng gusto nilang negosyo. Maging ang ilang malalaking kumpanya ay pinasok na din ang online selling gaya ng WATSONS, SM, Mga branded clothing lines, S&R at iba pa.

Eto yung ilan sa mga paraan na pwede mong gawing negosyo online:

  1. YouTube Influencer

Kung may malaki ka ng following sa YouTube channel mo, may mga companies na pwede kang kunin as promoter ng kanilang mga produkto or serbisyo. Kung may sarili ka naman, magagamit mo din to para mas madami kang maabot na potential customers.

     2. Virtual Assistant
Eto yung isa sa unti-unting nag gagain ng popularity dahil na din sa napaka accessible way para kumita ng pera online. Email management, Social Media manager, encoding ang ilan sa mga example ng ginagawa ng isang Virtual Assistant. Yung mga employer naman usually nakikita sa mga sites na kagaya ng Upwork.com at Freelancer.com

    3. EBook Author
Kung hilig mo naman ang pagsusulat, mag advise o kahit yung gumawa ng mga nobela, magandang opportunity din ito para kumita ka ng pera online.Ilan sa mga popular na topics yung sure na kumikita ay tungkol sa Pera, Relationship, at mga How-To na Ebooks.

These are just a few suggestions that you can look into. There’s plenty more out there.

Gusto kong malaman mo that you are created to make a positive impact, whether sa trabaho mo, negosyo or sa buhay ng mga mahal mo at kaibigan mo – and it’s only possible if you will act on it.

In whatever you do, commit your plans to the Lord and He will establish your plans.

Have a nice day and enjoy your journey to entrepreneurship..

(You can also check the YouTube Video version of this article HERE, make sure to subscribe and click on the bell button to stay updated for new video uploads)