OFW Blog 2

“How to Effectively Save Money”

(by Ronnie Hilario – Creator of YouTube Channel “Virtual Startup Box”) 

Isa ka ba dun sa mga taong medyo may katagalan na ding nagtatrabaho, whether locally or overseas…Pero pansin mo na wala ka pa ring ipon o kaya naman palagi mo na lang nasasabi every month na, “promise, next month talaga sisimulan ko na mag ipon!”… and yet hindi naman nangyayari?

Wag ka mag-alala dahil naiintindihan kita dahil pinagdaanan ko din yan.

Yung tipong eto na si sweldo kaso biglang may bagong labas na bagong model ng cellphone or gadget o kaya naman biglang may BIG SALE at yung matagal mo ng pangarap na mabiling sapatos o damit – naka 50% off – especially nowadays na sobrang dali na mabili dahil sa mga online shopping apps and sites!

Kaya in the end, sakto na naman ang panggastos!

Yung iba naman, nakakalungkot man isipin, nalululong sa mga sugal at bisyo kaya lahat nung mga pera na sana naipon or nainvest ay napunta lahat dun. Sa mga ganitong klase ng problema – I really advise to seek professional help or yung support ng loved ones – iba pa din yung alam mo may susuporta sayo para magbago.
Another common reason din na nakaka hinder sa pag iipon natin ay yung MALING PAGTULONG – eemphasize ko dun sa word na “MALI”.

Walang masamang tumulong pero ang punto ko, kapag inaabuso ka na or sinasamantala na yung kabaitan mo – kailangan patulin otherwise, ikaw din ang mahihirapan sa huli.

There’s a fine line between helping and enabling o yung pagtulong sa pagkunsinti.

Isa pa sa mga hardest lesson na natutunan ko, yung ikaw na nga ang nagpautang – madalas ikaw pa lalabas na masama sa huli lalo na pag singilan na.

Tandaan mo na hindi mo pinupulot ang pera sa trabaho mo – dugo, pawis, oras, at effort ang puhunan mo bago mo kinita yun kaya sana pahalagahan mo.

Ok, let’s move on to the 5 Effective Ipon Tips. I have proven this to myself and sana makatulong din sayo.

1. Identify your numbers: the budget 

Kailangan alamin mo muna yung mga expenses mo, kumbaga bago lumusob sa gyera, alam mo muna yung mga kakaharapin mo.

Example ng mga expenses na kailangan mo ma-identify:

  • kung nagtratrabaho ka whether locally or overseas, ilista mo yung mga daily expenses mo, mula sa  
    • pamasahe,
    • pagkain,
    • renta sa bahay kung umuupa ka,
    • mga utility bills atbp.

Then pwede mong i-apply yung 50-30-20 Rule ng pagbubudget na kung saan

  • 50% alloted para sa mga expenses,
  • 30% para sa personal leisure or paglilibang, at
  • 20% for savings

Pwede mo ring icustomize, yang rule na yan depende sa nakikitang mong magfifit sayo. IN my case, hindi naman ako mahilig sa mga gimik kaya madalas na either nirereinvest ko in buying ebooks and training materials yung savings ko.

Ang pinaka importante dito ay once na sinimulan mo, you have to discipline yourself na mag stick sa plan although alam ko na may mga variables din sa buhay – pero mabuti na yung may sinusundan ka na budget plan.

2. Invest in yourself

Sa bawat sweldo na nakukuha mo every month, make sure na magtabi ka ng portion mula dun sa kinita mo, I suggest na around 10-20% ang itabi mo.

So para san ba ang amount na to? Ito yung amount na itatabi mo sa bank or i-rereinvest mo para magkaroon ng interes or tumubo pa.

Maaring maging retirement fund or personal emergency fund mo ito.

In this way, makikita mo yung bunga ng mga pagsisikap mo sa trabaho. Another way ng pag iinvest sa sarili mo ay yung mag take ka ng mga trainings at magbasa ng mga libro na related sa business para madadagan yung skills mo at pwede ka din mag negosyo. Sa ganitong paraan, mapapapansin mo ung pag accumulate ng ipon mo habang tumatagal basta siguraduhin lang na constant yung pag iinvest mo sa sarili mo..

3. Communication is the key especially with loved ones.

Ito yung isa pang importanteng bagay na kailangan mong isaalang-alang sa pag-iipon ko kasi naiintindihan ko na kailangan nating tumulong sating mga mahal sa buhay whether may pamilya ka or still single.

Kung mahal ka nila, Sigurado ako na maiintindihan nila na may mga sandali na hindi mo maibibigay yung mga gusto nila dahil kailangan mo din tingnan ang kapakanan mo. Kung close ka naman sa family mo, pwede mo ding ipaalam sa kanila kung paano ka magbudget at mapakiusapan din sila sa magandang paraan. Mas mainam na maunawaan yung pagkakaiba ng needs o yung mga pangangailangan kesa sa mga wants o yung mga kagustuhan lang. Mas ok na yung open yung communication kesa naman sa may samaan ng loob at hindi na lang magkikibuan.

4. Iwasan ang mga bisyo.

Ang mga bisyo na kagaya ng sobrang paninigarilyo, sobrang pag inom, at sobrang paglalaro ng sugal ang ilan sa mga bagay na malaki ang epekto sa pag-iipon ng tao. Madaming excuses ang madami satin na “magkano lang naman” or “minsan lang naman” pero kung iisipin mo, hindi lang yung ipon mo ang maapektuhan kungdi pati yung kalusugan mo!

Ano sa tingin mo mangyayari sa mga plano mo at mga pangarap mo sa buhay kung magkasakit ka at di na makakatrabaho or makakanegosyo? Paano na? Kaya ang payo ko, seek the help of professionals or loved ones para sa mga bisyo na nahihirapan kang alisin hanggang may panahon pa.

5. Iwasan ang utang.

Hanggang maari, iwasan mo yung magkaroon ng utang lalo na sa mga Team Kaskas or yung mga taong kapag may sale sa mga malls – sige lang ang pag swipe ng credit card!

Walang masama sa paggamit ng credit card pero kung mali ang paggamit mo, binabaon mo lang ang sarili mo sa utang.

Kung meron ka namang cash, yung ang gamitin mo pero kung kailangan talagang gamitin yung credit card para sa mga importanteng bagay, make sure na disiplinado ka din sa pagbayad sa tamang oras ng mga credit card dues.

Lastly, pilitin mo lang mamuhay ng simple, iwasan mong maexcite sa mga bagay na nakasale or nakapromo pagkatapos in the end, hindi mo naman pala kailangan or wala kang paggagamitan. Lumaki man ang sahod mo, hindi ibig sabihin nun na lalaki na din ang gastos mo na eventually magtutulak sayo para mangutang.

There you have it! Ang 5 Effective Ipon Tips. Let’s summarize it at para madali nyo maalala:.

  1. Identify your numbers: the budget
  2. Invest in yourself
  3. Communication is the key especially with loved ones
  4. Iwasan ans mga bisyo
  5. Iwasan ang utang

Lastly, Gusto kong malaman mo that you are created to make a positive impact, whether sa trabaho mo, negosyo or sa buhay ng mga mahal mo at kaibigan mo – and it’s only possible if you will act on it.

In whatever you do, commit your plans to the Lord and He will establish your plans. 

Have a nice day and enjoy your journey to entrepreneurship.. 

(You can also check the YouTube Video version of this article HERE, make sure to subscribe and click on the bell button to stay updated for new video uploads)