Site Registration

Enter your desired username
Enter your email address
Please re-enter your email address
Enter your desired password
Please re-enter your password
Fields marked with an asterisk (*) are required.

Blog 1

“Paano Magsimula ng Negosyo Habang Empleyado”

(by Ronnie Hilario – Creator of YouTube Channel Virtual Startup Box)

Iniisip mo bang mag NEGOSYO habang empleyado ka pa sa ngayon pero hindi mo alam kung paano sisimulan?

Don’t worry hindi ka nag-iisa. 

Madami at iba’t ibang DAHILAN kung bakit gusto nating mag negosyo:

  • maaring extrang kita, or
  • para makasama mo na ang family mo at makapag spend naman ng quality time sa kanila
  • or siguro pagod ka na sa trabaho mo pero no choice at kailangang kumayod.

Anu pa yung mga reason mo?

Ang goal ko – as you read through this blog – ay hindi lamang para malaman mo kung ano ung kakailanganin mo sa negosyo mo pero ang pinaka importante ay mag start kang kumilos – kasi kahit anong bagay na matutunan mo pero kung hindimo i-aapply ng actual, wala ring mangyayari

Kaya simulan na natin to.

Una sa lahat, uunahan na kita kasi baka maunahan pa ng iba – na hindi madaling mag negosyo – otherwise lahat ng tao sa buong mundomay sarili nilang negosyo. Kahit yung mga kilala at successful na sa pagnenegosyo gaya nina Jack Ma ng Alibaba.com, Col. Sanders ng KFC at Jeff Bezos ng Amazon alam yan…

pero may isang bagay sila na alam kung bakit sila nagsimula ng negosyo at yun ay ang PURPOSE.

Gaya ng mga successful na tao na nasabi ko, you should:

  1. Know your “Purpose”

Siguro ang tanong mo, “ano ba yung PURPOSE brod?

Ang “PURPOSE” – eto yung nagmumula sa kaibuturan ng pagkatao mo na pinaka reason bakit bumabangon ka sa araw-araw para maachieve yung goal mo.:

Paano ba malalaman yung “Purpose” mo?

  • Kailangan tanuing mo ang sarili mo ng paulit ulit kung bakit gusto mong magnegosyo.

Ang pinaka importante dito na dapat mo marealize na ang purpose ay hindi umiikot sayo kundi sa mas malaking dahilan pa.

  1. Identify your skills, strengths, and abilities

Wag kang tumingin sa kakayanan ng iba, kungdi icheck mo muna sa sarili mo kung anong meron ka.

  • magaling sa paggawa ng mga crafts?
  • Welding or DIY Projects?

FOCUS KUNG ANONG MERON KA at HINDI YUNG WALA KA,

kasi yung wala ka sa ngayon, maaari mo pang matutunan through reading, training, at iba pang resources na nasa paligid mo especially ngayon na halos lahat ng pwedeng matutunan ng tao, nasa internet na.

  1. Search for the specific people that will need your help

“Necessity is the mother of invention” sabi ng isang kasabihan, kung saan may problema o pangangailangan,dun nagsisimula ung mga bagong  bagay o solusyon-at ikaw atkung anong kakayahan o produkto ang  meron ka ang magiging sagot sa problema ng isang tao.

  1. Seek Feedback.

Importante ang feedback ng tao for you to be able to adjust your product or service base sa pangangailangan ng customer mo, hindi sa kung ano lang ang palagay mo.

  1. Ensure Balance between your work and personal business.

Gamitin mo yung oras ng tama – na hindi ginagamit yung oras ng kumpanya o mga gamit ng kumpanya.

  1. Slow progress is OK but consistent action is needed

Sabi nga ng isang quote from Robin Sharma,

 “Slow but steady progress is better than fast, daily excuses”. 

Make sure na continuous yung paggawa mo ng action towards your business no matter how small the effort is, remember to balance everything out kasama yung sa negosyo pero since you are decided to go into starting a business, kailangan humahakbang ka din one step at a time.

Remember na hindi tayo hihintayin ng oras, so we must be wise kung paano natin gagamitin yung oras natin in order for us to achieve yung mga goals natin sa ating business.

There you have it! The 6 tips para makapagsimula ka ng negosyo habang empleyado ka pa. Let’s summarize it at para madali mong maalala,

K – Know your “Purpose” sa pagnenegosyo

I – Identify your skills, strengths and abilities

S – Search for the specific people that will need your help

S – Seek feedback

E – Ensure balance between your work and personal business

S – Slow progress is OK but consistent action is needed

Lastly, Gusto kong malaman mo that you are created to make a positive impact, whether sa trabaho mo, negosyo or sa buhay ng mga mahal mo at kaibigan mo – and it’s only possible if you will act on it.

In whatever you do, commit your plans to the Lord and He will establish your plans.

Have a nice day and enjoy your journey to entrepreneurship..

(You can also check the YouTube Video version of this article HERE, make sure to subscribe and click on the bell button to stay updated for new video uploads)